Hello!

Nagugulat ako pag merong bibisita sa akin, or mag-iiwan ng voice mail or e-mail, na para bang blast from the past: yung mga taong hindi mo na naisip ng 12 or 15 years, halos makalimutan mo na nga, tapos maririnig mo ang boses o makikita mong nagpapakilala ulit. Tapos either maalala mo sila, o hindi. Lalo na kung ang mundo mo’y puno ng bagong tao - mga taong hindi mo nakilala before 2003 pero mga pinakamalalapit mong kaibigan ngayon, na mas kilala ka na nila more than anyone else.  Tapos makikita mo na either nothing has changed, or so much has changed. Tapos you may get some time to catch up on the past 15 years, and you won’t know where to start -and stop. 

Pero ang mas nakakagulat ay yung pag nakakaita ako ng mga photos ng mga dati kong kakilala taken just a block away from my office in New York, whether it’s at Rockefeller Center, Times Square, Grand Central, or just on Fifth Avenue and 44th Street. Hello! Mag-hello naman kayo. So close and yet so far… Ang lapit lang sa classic NY tourist spots, puwede pang maglunch dun or mag-happy hour. I’ll take you to my favorite bars or we can go to Bryant Park. As you know, everyone’s wlecome naman in my office. Lalo na ‘pag PIlipino ka :)

Leave a Reply