Love is not blind.
Sana nga kung love is blind. Pero hindi eh. Alam nyo kung bakit?
Nung nalaman ko na bulag pala ang dad ni Angel, isa sa mga naisip ko is sayang na hindi nya makikita ang mga guwapong boyfriend ng anak niya. Immediately after, naisip ko na ok lang yun kasi ang dapat ngang mag-matter is kung mabait yung guy sa kanya. And in this case, yun nga ang magiging basehan for the father — if the guy treats her well. Very well.
Tapos naisip ko yung mga taong hindi natin gusto, ergo hindi natin mahal, pero gusto o mahal tayo. Minsan puwedeng maging simple lang ang sagot natin: ‘hindi natin type.’ Ang lungkot ‘no? Pero kung lahat tayo bulag, eh di wala nang problema. Mas madaling makahanap ng match kasi hindi hadlang ang hitsura: ang tangkad o liit, ang payat o taba, ang itim o puti.
Eh kaso nga love is not blind. Kaya ginugusto pa rin natin yung someone we are physically attracted to, based on what our eyes can see.